The Key to Contentment
By
Maloi Malibiran-Salumbides
Kapag nawalan ka ng cellphone, internet connection,
boyfriend o girlfriend, kasambahay, trabaho o kaya ay nasiraan ng sasakyan,
pakiramdam mo ba ay para kang napilayan?
Totoo namang mahirap ang mawalan, lalo na't kung
nakasanayan o naging napaka kumportable mo na sa bagay o taong nawala sa iyo.
But God allows these things to happen for a good and beautiful reason.
Kaya sa halip na magworry, magpasalamat pa rin at maging
kuntento.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa
Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Totoo nga naman, kapag ikaw ay kuntento sa buhay at trabaho
mo, ang kaunti para sa iba ay sapat para sa iyo. Dati masaya ka na basta may
maupuan ka lang sa LRT. Ngayon may sarili ka ng sasakyan, pero di ka pa rin
masaya dahil mas maganda at mas mahal ang sasakyan ng ka-opisina mo. Ano nga ba
ang susi ng pagiging kuntento sa buhay at trabaho natin?
1) Real contentment begins with a right relationship with
God. Ang sabi sa Hebrews 13:5, "Keep your lives free from the love of
money and be content with what you have, because God has said, “Never will I
leave you; never will I forsake you.”
Kahit ano pa ang mawala sa iyo, kung ang Diyos naman ang
kasama mo, ano pa ang iyong kakailanganin at hahanapin ?
Real contentment begins with having a firm relationship
with God.
Maubos man ang ipon mo sa bangko, kung may relationship ka
sa Diyos na siyang magsu-supply ng lahat ng iyong pangangailangan, ano ang
dapat mong ipangamba.
Contentment is an issue of trusting God who said, "I will never leave you; never will I forsake you."
2) The key to contentment is the right focus. Saan ka ba nakatingin?
During the first year of our marriage, sa isang maliit na apartment lamang kami nakatira ng mister ko. Isang bata ang lumapit sa akin at nagsabing, "Ate, siguro ang yaman-yaman ninyo, kasi up and down ang bahay ninyo eh."
Mayroon ding ka-opisina noon ang asawa ko na dumalaw sa amin. At ng makita niya ang bahay namin, ang sabi niya, "Bakit dito kayo nakatira, hindi ba delikado dito sa lugar na ito?"
Iisang bahay ang nakita ng dalawa. Ngunit sa bata, ang munting apartment namin ay isang palasyo. Samantalang sa isa naming bisita, ang lugar na tinitirhan namin ay tila perwisyo.
Saan ka nakatingin? Focus on what is right. Focus on what you can be thankful for.
3) A right heart gives you contentment. Pansinin mo, kapag tama ang puso, kapag positibo ang attitude, madaling maging kuntento. May batang tanggalan mo ng gadget, maglulupasay na para bang napaka-unfair ng buhay. Pero mayroon namang kapag kinumpiska mo ang cellphone o tablet, mabilis na makaka-move-on at hahanap na lamang ng ibang magagawa o mababasa.
Bago ka magsalita, manalangin ka muna at hingin mo sa Diyos
ang tamang pananaw at puso para maging mapagpasalamat at kuntento sa kung ano
ang mayroon ka ngayon.
BE A
BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!
RELATED POSTS:
.
..
.
..
No comments:
Post a Comment